di ako reggaeista
sirko
sa parisukat ang kulay..
nagbibiro..
naglalaro..
nakikipaglaro
sa anyo at hugis ng
mukhang huwad.
sasabihin nilang
nagpakwadro ang
mga kulay ng bahaghari
nagpakulong
sa ngiti
nagpahuli
sa lantang
mga ngisi.
di tiyak
kung tunay
ba
ang
itim,
pula,
berde,
at dilaw,
na nakikita -
nagpapakita.
di ako reggaeista.