blocks
i walk the lonely road towards home
with head bowed down
especially at night.
it seems that
the scent of the air as
i pass by the road,
tickles me of sadness instead of joy.
Nakakasawa din pala.
Dati rati ina akala ko na katulad
Ng kanin di ako magsasawang
Pumasok sa pinto ng kwarto nya
At hintayin ang matagal nyang paguwi sa
Hapon o gabi.
Pinapanis ng pagupo ko sa kama nya
Ang bawat oras na pader lamang ang tinatamaan
Ng aking pagtitig.
Kakabahan at lulundag ang puso
Sa yabag ng mga paang nanggaling sa labas
Na akala ko ay sa kanya.
Dadalawin ako ng antok
Ngunit sa piling ng mahimbing na tulog
Ay di ako makasisiksik,
Di pa kasi dumarating ang tatapos sa paghihintay ko.
Minahal ko ang bawat 5:59 pm na pipitik
sa tuwing lilingon ako sa relong
Nakasandal sa pader ng opisina.
Sa wakas,pagkatapos ng nakakapagod na pagkayod,
Uuwi nanaman akong sabik dahil sa pag-ibig.
Pero dadatnan ko ang munting tirahan nyang
Ang tanging laman ay lawa
Ng bulok na pag asa.