Pages

wasak na wasak. uninvited wasak?

nakakawindang ang mga eksenang halimbawa ay:

naglalakad ka sa kalye na buong akala mo'y pauwi ka na, di naman pala
dahil bigla kang mahahatak sa party na hindi ka naman inimbita pero
andun ka, hala at sige nakikiubos ng handa sa la mesa.

o pede din namang...

naglalakad ka sa pasilyo papunta sana sa kwarto mo,
nang di mo namalayang mali ang iyong tinigilan
at buong inakala mong sa iyo ang door knob ng kwartong pinipihit mo,
at hayun, inimbita mo nanaman ang sarili mo sa
di inaasahang pagharap sa di inaasahang eksena.
(hindi ko na alam kung anumang eksena ang tumambad sa harap mo)


kaya din siguro may mga binibigyan ng pamagat na uninivited,
katulad ng uninvited na movie, thriller movie na tungkol sa
sira ulong babae na buong akala nya na ang bagong asawa ng
tatay nya ang pumatay sa nanay nya, at sa dulo mapagtatagpi tagpi
na sya pala ang kawawang sisa na pumapatay.

o kaya ang uninvited ni
alanis morisette..

eh paano kung...
hindi ikaw ang hindi imbitado
kundi ang mga pangyayaring

di mo naman talaga plinano
at pinangarap na papasukin
dyan sa pinto ng kwarto mo?

papasukin mo ba sya o sisipain palabas
ng buhay mo?

nakakapagtaka kung bakit
madalas mas nangyayari ang di inaassahan
ang mga hindi pinaplano..

regalo nga ba ng  mundo
sa ang mga di inaasahang bagay
na minsa'y sumisira sayo,
pero sa paglisa'y
siya rin palang bubuo sa
pagkatao mo.

naisip ko lang.
madalas..
kailangan mo talagang
mawasak..
para maging buo ka.

kailangan bang sa lahat ng oras ay
padalhan mo ng imbitasyon ang
mga kaganapang maari lang mangyari
sa buhay mo?

naku naman, umuwi ka na lang at matulog
buong buhay mo. masahol pa
sa boring ang pinapangarap
mong bukas.

0 Response to "wasak na wasak. uninvited wasak?"

Mag-post ng isang Komento