Pages

may parkinson's disease ang nanay ko


“Minsan masarap makipag away sa Diyos dahil hindi Sya marunong pumili ng mga taong pahihirapan.”


Siguro masydong kritikal magisip ang Hari ng Langit, di maabot ng di perpektong pag-iisip ng tao ang mga rason Nya sa mga bagay na hinahayaan Nyang mangyari – imperpekto ang pagkilos ng utak ko. patalbog talbog at papitik pitik ng walang consistent na ritmo. Pero hindi ko hahamunin ng away ang langit dahil hindi ko mahanap ang sagot – wala naman kasi rin akong itinatanong.
Wala akong option kundi umiyak, kakampi ko siguro ang luha nakikiramay sa lungkot ng dilim.
Di ako huwarang anak, pero mahal ko si mama.. dahil si mama lang ang kakampi sa akin kahit ako na ang pinaka masamang tao sa mundo. mahal ako ni mama kahit matigas ang ulo at kahit madalas ako mamilosopo sa kanya. Kahit di masarap ang luto ni mama, di pwedeng di ko kainin dahil alam ko na luto yun ni mama (may konting paglait nga lang akong gagawin sa eksena ).. di naman kaming magkakapatid pinalaki sa luho ni mama.. tama na ang may bago kang damit sa pasko, o ang ibili kami ng bagong damit tuwing summer sale, at bilhan ng maliit na regalo kapag birthday.. great provider si mama, kahit ngayong nagsimula ng magtrabaho at makatanggap ng sweldo, may monthly income ng matatwag, eh may nanay pa rin kaming matatakbuhan kapag inatake ng katamaran, umabsent ng ilang araw at rumesulta sa pagkakapos ng sweldong pampulubi.. di kelan tumanggi si mama magbigay. Kahit nga load, sagot pa ni mama. paminsan maiisip ko na madami akong pagkukulang sa reyna ng bahay namin.. lahat ng pagkukulang naming bilang mga anak, hindi kailanman nilista ni mama para ikaltas sa pwede nyang maibigay bilang nanay namin. Di kailanman binilang ni mama ang mga butas namin bilang anak. Talaga naman o, kaya kahit nung bata pa ako, di ko makayang isipin na maghanap ng ibang nanay kahit pa malaman kong aba’y ampon ako. (pero di ako ampon)
May sakit si mama.
Kanina ko lang nalaman.
At kanina lang din nya nalaman.
Di basta sakit
May Parkinson’s disease


(Parkinson's disease (also known as Parkinson disease or PD) is a degenerative disorder of the central nervous system that often impairs the sufferer's motor skills, speech, and other functions.[1]

  -http://en.wikipedia.org/wiki/Parkinson%27s_disease)


Si mama.


Umiyak ako
Sa canteen kanina
Nagulat
Nabahala.
Niyakap ako ni maai.
Bakit sa pagulan ng langit,
Sumabay ang buhos ng tubig
Sa mata kong
Di malaman ang
Susunod na mangyayari.




Pumapanglaw ang mga pangarap.
At unti unting pumapanglaw ang sa akin.


Naisip kong makipagpalit na lang ng katawan kay mama
Sayo na lang ang akin,
Ako na lang ang manginig
At mahirapan.
Ang may sala ang ikinukulong sa dilim
Ng parusa ng langit.


Victim soul ng langit si mama,
Rosas sa Birheng Ina ng langit.


Niyayakap na si mama ng paraiso
Ng walang hanggan
Habang ako ay malusog
At naglalakad sa liko-liko at baku bakong
Daan pauwi sa maling tirahan.


Di ko na malaman ang sasabihin.
Subukan mong pumatay ng isang daang tao, ang asawa, kaibigan, bf/gf mo, iiwan ka
Pero ang nanay mo, ang maiiwang kakampi mo at yayakapin ka na parang musmos uli.


Mas mahalin ang nanay ng higit pa sa kahit sinong makikilala ninyo, di napapalitan ang babaeng naghirap magluwal sa atin.







0 Response to "may parkinson's disease ang nanay ko"

Mag-post ng isang Komento