Pages

puso sa 2010 - uso pa rin


like poof... it's the 31st of the last month of this year..
i think wiriting could be a good start for an end
and a best start to begin..
am i sounding like an alien?
petta..

nakakapagtaka kung bakit ang buhay ngayon
parang kasing bilis lang sa paglingon sa nakalipas na araw.
parang ang nakalipas na isang taon ay kasing bilis lang ng paglipas ng isang taon.

mabilis na ang pagtanda ng lahat.
bumabanat na ang mga bata, dahil tumataas na habang
umeedad,
at ang mga groovy na matatanda, bumabanat na din,
nagpapabanat na ng balat dahil sa pagtiklop at pagkulubot ng mga balat.

hay.. hihipan ko na lang ang buhok..
dahil wala naman akong makukuhang sagot..
parang nag KnoCK kNocK ako at wala namang nag who's there..
(para akong nagpakawala ng tsunami no, nalunod ka ba?)


i am meeting  myself halfway..
at di ko alam ang ibig sabihin ng sinasabi ko..
ayaw ko magsulat..
pero i want history to keep this in vault..
nangangarap na di mapanglaw ng paglipas ng mga araw at
mga taon
ang ilang pirasong mga ala alang
sinira ako at binuo para
maging tunay na tao ako ngayon.

sighing..
nakakapagtaka kung bakit
sa uri ng mediang meron tayo ngayon,
kung hindi nila ipapakita ng sobra ang totoong nangyayari,
ipapkita naman nila ito ng kulang at may halong kasinungalingan.

na kapag naging mabuti ka
kapag sinugatan ang puso mo
na kapag ibinagsak sayo ang buong mundo
at pinalayas ka sa sariling buhay...
babalikan mo ang mga dumurog sayo na
puro pangil na ang ngipin
at puro matutulis at nakakasugat na kuko na
ang panangga..


di kasi ako nanaiwala na pinatitigas ng sakit
at trahedya ang puso ng tao.

fire does not harden iron...
wala namang apoy na nagpatigas ng kahit anong bagay..
ang kahoy..
pinupulbos hanggang sa maubos ang baga..
ang tubig pinakukulo hanggang sa maubos..
ang yelo, pinapalambot, tinutunaw..

ang ritmo ng apoy sa bawat buhay ay may gawaing ganyan
na mali kung tingnan.. imperfect visions..

pag nasasaktan nauubos ang puso,
natutunaw..
hanggang sa mawala na
ang bawat piraso ng pagtibok..
hanggang sa hindi na masasaktan
dindi dahil pinatigas na ito ng  mga luha
o ng mga pagsisi
o ng mga pangungulila..
sa bawat paghikbi
sa bawat pagluha
sa bawat pagkirot
sa bawat hapdi..
nauubos ang puso..

pero sa pagkaubos ng puso,
hindi nauubos o nababawasan ang
pagmamahal
pinapalitan lang ito ng pagtanggap
na sa bawat pagbigay mo
ng pagkakataon sa sarili mo
na umibig, na magmahal,
dadanak sa bawat pagakakataon ang luha, hindi maiiwasan.

di naman kasi sa tingin ko ibinigay
ang puso para lang tumibok at
magpakilos sa sistema ng katawan.

nanndyan yan sa sistema ng
pagkatao natin,
para buhayin tayo..
para sabihin
na kung di mo kayang masaktan wag kang magmahal.
hindi ka tao.
kung ayaw mo magmahal.

hindi ka lubos na nagmamahal kung dahil sa sakit ay tatalikod
ka na lang,

di ka pa lubos na tao
kung di ka pa nagmahal at nasaktan.


ako: nagmahal ako
at nagmamahal..

isa.. dalawa.. tatlo..
magtatatlong taon na akong nagmamahal..
at tatlong taon na akong nagmamahal
nang nasasaktan..

pero hindi ko hiniling
na hindi na maramdaman pa
ang pag ibig dahil di na makahinga ang puso ko..

lalong nasasaktan,
lalong nagbibigay,,

madamot at huwad ang pag - ibig
na umuurong at umaayaw
kapag itinusok na ang
karayom sa pinid ng puso mo.

lumilipas ang mga araw..
lumilipas ang daan daang araw
at ang dekada..

di naman nauubos o nababato ang pagmamahal..

kung titigil kapag nasaktan na,
kawawa ang sangkatauhan,
wala ng Langit na magtatanggol..
dahil noon pa man
naubos na ang puso Nya
sa sakit na ginawa nating lahat,,


haaayyyy...

masaya ang magmahal..
kahit na may pagiyak na madalas sa gabi..
pagiyak dahil wala ka sa piling ko..

pero di ako hihinto..
dahil masaya ang makaramdam
ng sakit, ng kirot..
dahil sa mga sakit na yan,
nalalaman ko na
tunay akong tao,
marunong magmahal..




kaya para ngayong taon
at para sa darating na taon..
at para pa sa mga bagong taon
na aabutin ko..


iisa lang ang pangakong bibitawan ko
na galing sa pusong nasasawi pero di umaayaw:


MAGmamahal pa rin.


when we love, we give..
and we love more even if it gives us back nothing in return.*






binubuo mo ang bawat
luha..
ang bawat pangungulila..
sumasayaw gayunpaman
sa galak na handog ng iyong
pagyakap sa tuwing
ako ay mawawala sa sariling
emosyon at kamangmangan.

umibig.
umiibig.
dahil sayo.
*euj



SHARE LOVE
dec.31/09
2:01am

0 Response to "puso sa 2010 - uso pa rin"

Mag-post ng isang Komento