isang taon halos din na inimpake ang
mga regalo ng kamay sa kaluluwang
nangangalumbaba habang tumatanaw sa pag pula ng
buwan.
ayaw man, magbabyahe din
-july 16, 2009
Maraming beses ng inulan ang
Kalye sa gilid ng pinto
Ng mga pagkakataon
Para iwanan ang nilalambing na kasalukuyan..
Maraming pagbaha na ang
Humupa at bumalik..
Ngunit sa loob ng tahana’y
Naroon pa ri’t di natitinag mula
Sa paghawak sa dumudulas mo ng mga kamay.
Madalas na ngang mala bagyo ang bawat araw,
Pilit lamang iwinawaksi ang
Trahedyang tunay na nakikipagagawan
Sa kasalukuyang
mahigpit ang pagkakayakap –
Ayaw mabitiwan,
Ayaw pakawalan.
Paitimin man kasi araw araw ng pagulan
Ang mundo sa labas ng tinutuluyan,
Masaya naman na nakangiti
Ang mga palad sa paghawak ng kaliwang kamay
Sa nakangising puso at ng kanang kamay sa dumudulas
Mong hawak sa palad.
Masaya ang mundong tinitirhan
Kahit sa labas ng pinto
Ay binubuhusan na ng bagyo bagyong
Paalala para umalis na
At lumimot sa dati mong mahigpit na hawak.
eirampie©
****************************
dadaan
-june 24, 2009
Dinadakot ng aking kamay ang
Bawat butil ng chichiryang binili ko
Para sana ipanlaman sa tyan ngayong gabi habang
Sabik sa pagkatok ng antok sa aking
Kamalayan,
Pero patuloy ko mang
Isinusubo ang bawat piraso
Ng clover sa bibig ko,
Wala pa ring matikmang alat
Ang dila ko at wala
Pa ring makapang pagkapuno
Ang palagi kong gutom na sikruma.
Pero iba ngayon.
Di man nakakaramdam ng ganang ubusin
Ang laman ng chichirya,
Sige na nga’t kukutkutin
Pa rin ang bawat piraso,
Kung yun lamang ang paraan upang mapalakas
Ang pagsipa ng oras
At magising na andito ka na ulit.
Madaming beses na rin palang
Mala alon ang
Aking pagkatao,
Walang sawang nagpapabalik balik sa pampang at
Hampasin ang ibabaw ng buhanginan.
Di napapagod,
Di nagsasawa.
Aliw na aliw, sa pakikipaglaro sa ibabaw
Man ng init ng araw o sa lamig ng ulan.
Matagal din pala akong nagpaulit ulit sa
Mga gawaing ang katumbas ay para na ring pagkapanalo
Ng lotto at pagkaubos ng premyo sa loob ng ilang minuto.
Matagal tagal ko din palang
Nilibang ang sarili ko sa
Pagtayo sa aming balkonahe tuwing ang
Ala sais ng gabi ay papatak.
Alam ko kasing sa mga oras nay an
Dadaan ka na mula sa iyong klase
At pasisiyahin mo namang muli
Ang mala bata kong puso.
Titiisin ko ang pagod na dala ng matinding
Paghila ng gravity sa aking mga paa..
Inaliw ko ang oras ko sa pag abang sa
Abonong, nagpapataba sa puso
Kong mangmang.
Masaya ako sa tuwing matatanaw kita sa pagdaan mo,
Dadaan ka, pero di lilingon.
Lilipas din ang ilang minutong pagdaan mo sa aking mga paningin.
Ang bukas,
Ay panibago nanamang pakikibaka
Sa pagtayo at pag abang mula sa balkanohe
Ng aking pagmamahal.
eirampie©
**********************************
for sure
-March 22, 2009
By those times.
The stillness was sudden but with little throbbing
you must knew at all, I suppose.
The eagerness to share a piece
of those short silent tickings – of time
was offered through the small space on the balcony
which for an uncertain extent of time had sent my
pressure up to high Heavens before
your true coming.
I never yet fully recognized
your reflection and my reflection
as I unhook a glance through the dim panes of your glasses..
It was the shadows of both you and me..
Only that yours was bolder and deeper..
And mine, was in the closed room
pretending to be in zeal comfort but
the forcedly hidden beatings
were in a hurried race with a dozen of insane horses.
On the seat
Of your balcony which then already had magically transformed
Itself into an actual stadium,
As we watch the unfolding of the next course of the game.
Together with the creeping night,
Our lips had exchanged silent noises of the
Unloosen heart. (mine was unrelaxed
yours was at ease at all)
I would have dug up a hole all those while
As I completely had absorbed the reality of
Your pausing..
Of your nearness..
When the green gates shall had close
I would cease the fantasy
And move my feet down your stairs,
stare back and leave.
But as the sun had risen and set,
Again by your offer
I’ll rave again to where I felt
The first real hard core throbbing of my heart.
Then there I thought, I’ll love you for sure.
Before the death of sunrise
Its hair shall grow colors of gray
And blur the sight which for some time stooped
Like an innocent toddler nearing to fall
From the steep steps of the stairs.
eirampie©
**********************************
hinawi
feb.27, 2009
Hinawi ko ang matataas
na damong tumatakip sa
kalawakang pilit pilit kong tinatanaw..
Nahawi rin ang kurtinang tumatakip sa aking mga paningin.
Sa wakas bukas lawak
kong nakikita ang buhay at makulay na kapaligirang
tila ginapi ng walang katapusang pagtalbog ng kagalakan.
Di ko inaasahang sa pagkakataong iyon
na maranasan at Makita nang husto nang
Malaya ang buong lawak ng mga nais kong matanaw,
ay sya rin naman palang muling pagkubli ng mga mata sa permanenteng dilim ng kalawakan.
Binulag nang labis na
pag aakalang ang ina
asam asam na tanawin
ay ang tanawing palagiang magpapalundag
sa mala bato kong puso.
Hindi nga permanente
tulad nang dati ko nang inakala.
Pipihit pa rin ang lahat ng gulong at kahit
anong pagpigil mo upang hindi
ka pumailalim, ay dadalhin ka pa rin ng di mapigilang mga pagkakataon
mula sa rurok ng kasiyahan
patungo sa pagpasan mula sa ilalim ng
mabigat na pagapak sayo ng mga gulong ng five-wheeler truck.
eirampie©
**********************************
hinihintay kita
june 28, 2009
Hinihinyay kita.
Kahit na ang kapalit ng
Bawat paghihintay ko sayo
Ay sugat
Na di mapila pila.
Hinahayaan ko pa ring
Araw araw ako
Matusok ng mabagal mong pagdating.
Halika,
Samahan mo na kasi
Ang aking pag iisa
Samahan mo ako at idiin mo
Na ang sibat na tatapos sa
Hininga ng sakit
Ng mga di naghihilom na sugat.
eirampie©
**********************************
how can that be?
-may 15, 2009
How can I be sad when you are happy?
How can you be sad just because..
I am uhappy? :(
eirampie©
**********************************
for mothers who truly love
may 1, 1009
How do you know when you truly love?
Think of your mother
And you’ll recognize
How the scent of a faithful unconditional love smells.
When we many times,
Wish our dear mothers
Would surrender from
Dipping in within our lives,
Even with our wounding expressions
Already send them to great dismay,
Still they never falter to
Love us despite their vain affection.
When their care
Seem not to matter anymore
to their grown up sons and daughters,
despite the excruciating pain that kneads into
sore reality,
they love us still.
Our mother loves us still
Loves us
And still loves us more.
eirampie©
________________
june 07, 2009
i cleaned the house
because I knew
you were about to head
here as you always do.
I already neatly
Tied the badge you
Were asking me for
Which I failed to give
before you left.
But was I haunted
In dismay,
I would never see you again,
Like the dusts I swept of
To welcome your come back,
I’ll nerver see you
Coming through our door again.
eirampie©
________________
may 10, 2009
As I peek through the slits of my window
The crumpled uniform of those little girls ahead for their school
Drags my innocence to the timeline
Of which then i was only a mere branch of
A nurturing vine.
I’d then would slip off from the bed..
And just utterly slip off.
The making of the bed
Is then my mother’s trouble not mine that was.
And my father would be
Annoyed to witness how
A lazy kid I was,
But astounded not by anyhow
And mother would continually
With gladness do the chore for me.
I rush to school a lot.
Always.
And skip breakfast to catch
The school’s flag ceremony,
And to prevent a splash of red on my face
The shame I’ll get from being oh my late.
I rush to school with empty stomach
Yet there is food
Ready on the table every waking days
Of my childhood days.
As I shove of the memory of that,
I can only sigh
And wish
Today,
I won’t be rushing anymore to work
With an empty stomach.
eirampie©
________________
july 07, 2009
Sa tuwing ang tanawin ng mundo ko
ay makakaranas ng matagalang
pagdilim,
Hindi ako magwawala
O magrereklamo
O maninisi..
Hahayaan ko lang ang aking mga mata
Na ibuhos
Ang lahat ng
Sakit na dala ng
Pagtatago ng
Ng liwanag sa aking mga labi.
Baka sakaling
Sa ganitong paraan
Mass marinig ako ng Sinumang
Nasa langit
At handugan ako ng
Maliwanag na tanglaw
Para sa aking pag ngiti
eirampie©
________________
may 16, 2009
Nakakasawa din pala.
Dati rati ina akala ko na katulad
Ng kanin di ako magsasawang
Pumasok sa pinto ng kwarto nya
At hintayin ang matagal nyang paguwi sa
Hapon o gabi.
Pinapanis ng pagupo ko sa kama nya
Ang bawat oras na pader lamang ang tinatamaan
Ng aking pagtitig.
Kakabahan at lulundag ang puso
Sa yabag ng mga paang nanggaling sa labas
Na akala ko ay sa kanya.
Dadalawin ako ng antok
Ngunit sa piling ng mahimbing na tulog
Ay di ako makasisiksik,
Di pa kasi dumarating ang tatapos sa paghihintay ko.
Minahal ko ang bawat 5:59 pm na pipitik
sa tuwing lilingon ako sa relong
Nakasandal sa pader ng opisina.
Sa wakas,pagkatapos ng nakakapagod na pagkayod,
Uuwi nanaman akong sabik dahil sa pag-ibig.
Pero dadatnan ko ang munting tirahan nyang
Ang tanging laman ay lawa
Ng bulok na pag asa.
eirampie©
______________________________
may 15, 2009
Makailang beses na akong nakisagupa
Sa saliw ng bingi ng balagtasan
at sa bawat alsa ng paa sa harap ng entablado
ikaw ang kinakaharap
upang makipagtapunan ng
samu’t saring pananalita ng utak
at pati na rin puso.
Sa bawat beses na maligaya
Kong susuungin ang entablado
Kung saan kita kahaharapin
Ang hantungan palagi-
Ako ang magsisimula
Ako rin ang magtatapon.
Ako ang bubuo at tatapos sa taludtod
Na pawis ang puhunan.
Ikaw.
Lumiliwanag na sa
Lalim ng iyong pagkakatayo.
Nakikinig pero wala naman palang naririnig.
Minahal ko ang bawat sandaling aakyat ako sa
Entablado at lalanguyin
Ang mababaw na ligaya na
Dumuduyan duyan sa puso ko-
Dahil doon sa
Digmaan ng utak at puso
Ikaw ang kalaban ko.
mababanggit na lamang kung makailang beses ng
muntik buwalin ng kirot ang
laban na sinusubakan kong
ipagpatuloy,
kung bubuhayin ni Bathala
ang patay na alala ng
bilang ng mga
pananahimik sa sakit.
Di naman talaga patay-
Patay lang sa harap ng
Mga nagbubulag bulagan mong mata
At sa
Nagkukunwaring pangarap
Na nagtatanglaw sa kislap
Na nakikita ng mga nanood sa pinid ng
Aking mga mata.
Bisig ang puhunan
Para di masagi ang timbang
Na pumaibabaw sa harap ng madla.
Halakhak man ang marinig
Di maaring madama ang sakit ng
Pagpukol ng matatalim nilang bato.
Uuwi akong talunan
Kung bibilangin ko
Na lang ang mga ngiwi
At panlilibak
Na hinahatak nila palapit sa
Bangin ng aking pagkakahimbing sa
Pagasa ng kasiyahan sa
Kabila ng sakit at kasiguraduhang hindi ko makakamit.
Paliliparin ko ang papel
Na eroplano
Baka sakaling
Sa oras na lumagapak ito
Sa harap ng iyong pagkakatayo,
Matitinag ka na at mamamalayang,
Matagal na akong naghihintay
Na ikaw ay tunay na makinig,
At sumagot
Matagal na kasi akong nasasabik sa
Tuluyan mong pananahan sa
Tagpi-tagping sulok ng puso ko.
eirampie©
______________________________
para sayo nikolai mula sa nakalipas
NUNG 3RD year tayo..
Nung sumali ka sa
Ms. Intrams..
Nag taka ako nun sayo..
Hmm.
Ano kaya nakain nito para sumali don?
Kasi sa pagkakaalala ko sayo
Hindi ka naman mahilig sa mga
Ganung bagay..
Tibo tibo ka pa nga noon..
Pero nung mga panahong yun
Narealiza ko
Naiwan nap ala ako sa likod..
Di nap ala kita kilala..
Di ko na kilala ang bagong ikaw
(bagong ikaw kasi kahit di man natin aminin, lahat talaga tayo nagbabago..
Nung time nay un, nagbago ka, nagbago ako)
At ang masama nun..
Di natin binigyan ng pagkakataon ang
Isa’t isa ng oras para makilala kung sino ang bagong ikaw at sino ang bagong ako..
Nakakalungkot balikan..
Nung mismo pageant
Pinanood kita..
Kahit inabot na ng gabi
Pinanood pa rin kita..
Kahit andun lang ako sa malayo..
Ni hindi mo nga siguro alam kung nasa paligid ba ako o kung may pakelam ka man lang ba kung manood ako o hindi.. hmm..
Ewan..
Namiss ko yun..
Dec. 7, 2008
9:31pm
eirampie©
______________________________
august 07, 2009
When I listen to myself, I only hear my cries.
Then I’d go for a walk to catch up with friends and listen to the dictates of their rumblings
So I may be barred off from hearing the sounds of my own yearning.
Loneliness and life, I wonder why it walks hand and hand across every road of every human alive,
Can’t it be they swerve off instead and take another route where they can’t pass my toll?
How I wish…
eirampie©
______________________________
september 10, 2009
We live.
We learn.
And then we
d.
i.
e.
a woman without a man is like
a fish without a bicycle
eirampie©
______________________________
august 24, 2009
Nilalakad ko ang daan habang nagpapanggap
Na bulag at manhid sa mga tinik
Na tumutusok sa talampakan.
Pinipilit na abutin ang pangarap
Na simple kung iisipin
Pero kulang ang kahihiyan na
Bumubuhos sa mga patak ng dugo sa noo ko.
Inaabot ko ang dulo ng mga tala
Sa gilid ng banging pinaliligiran
Ng matatalim napangil ng leon.
Pero sinasagisag pa rin ng pusong di
Umuurong ang tapang para magpatuloy
Dahil mahal ko ang bawat pagluha
Ko dahil mahal ko ang bawat sakit
Na gawa mo dahil mahal ko ang punong
Naglalabas ng dagta
Para dumihan ang mga palad ko at
Idikit sa magaspang niyang mga balat.
Mahal ko ang punong
Nababalutan ng samu’t saring
Guhit ng pagkabulok
Kahit nasasaktan ang mga palad ko sa tuwing
Hahaplusin ko ang matigas nyang katawan at mga sanga.
Minsan gusto ko na lang mamatay
At maging abono para
Mas lalo kang umusbong at maging masagana
At minsan namang naiisip kong
Sana ikaw na lang ang mamatay..
Sunugin o kaya putulin
Para matapos na ang mga paulit ulit mong
Pagsalin sa akin ng masasakit mong dagta.
Gusto kong umiyak sa paanan mo
Para diligan ang tuyo mong mga ugat.pero nagatataka ako
Kung bakit sa bawat pagluhod ko
Para amuhin ang mga galit mong ugat
At ipunin ang mga nalalagas mong dahon,
Iba ang nililingon mo para suyuin.
eirampie©
______________________________
di pantay
-july 30, 2009
Ang agos ng paghinga
Di naman talaga pantay-pantay
Tulad ng mga along pabalik balik sa
Ibabaw ng dagat..
Iba iba ang pagbulusok sa pampang..
May tahimik na darating pero
Mawawala ng paunti unti at dahan dahan.
May mga hahampas nang
Malakas at sisirain ang kastilyong buhangin sa
Pampang, pero
Aalis na parang walang dumaan at
Walang sumira.
Hindi naman talaga ginawang
Likas na pantay ang lahat ng
Matatanaw ng mata mo.
Sa mundong di perpekto ang hugis,
di talaga tiyak
Ang pantay nitong lawak.
Di masusukat kung saan eksaktong
Magsisimula at kung saan at kailan
Eksaktong matatapos ang piniling
Simulan.
Dahil walang pantay na mga pagkakataon..
Iba iba ang taas ng bawat bundok,
Iba iba ang lalim ng karagatan,
At iba iba ang lawak ng mga kapatagan..
Babagtasin mo ang lahat ng
Pinili mong daanan
Ng di mo kayang bilangin
Ang bawat eksaktong mga
Hakbang na inubos para marating
Ang dulo ng ginustong puntahan.
Kaya rin siguro
Di pantay pantay ang taas ng
Mga tao,
Iba iba ang tindig,
Iba iba ang hugis at laki
Ng katawan.
Hindi naman kasi kayang sukatin
Ng paningin ng mga mata ang lalim
At babaw ng pinaglibingan ng puso
Ng sinumang tao.
eirampie©
ganyan ba talaga ang buhay?
mas maraming maisusulat
kung luha ang tinta ng panulat?
eirampie©